Sabay-sabay na nanakit ng tiyan ang may 88 na estudyante at guro ng San Francisco Elementary School matapos ang posibleng food poisoning sa Brgy. San Francisco, Sablayan, Occidental Mindoro nitong Lunes, October 10.
Batay sa ulat ng Department of Education sa lalawigan, 88 na estudyante ng nasabing paaralan ang nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka.
Ayon kay Dr. Mary Queen Bernardo ng DepEd, bagama’t malaki ang posibilidad ng food poisoning hindi muna ito ginagamit ng DepEd upang tukuyin na siyang sanhi ng mga nasabing sintomas hanggat walang pagsusuri o ibang ahensya na magkukupirma dito.
Ayon pa kay Bernardo, sa kasalukuyan ay 22 mga mag-aaral ang nananatiling confined sa San Sebastian District Hospital (SSDH).
Samantala, hindi lang mga guro at estudyante ang nakaranas ng nabanggit na sintomas, ayon naman kay Dr. Teresa Tan ng Provincial Health Office.
May karagdagang limang katao aniya mula sa nabanggit na Barangay ang dinala rin sa pagamutan dahil sa kaparehong sintomas.
Patuloy na minomonitor ng DepEd OccMdo ang insidente