Jampacked ang mga aktibidad na nakalinya sa inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) – Romblon na Consumer Fair 2022 sa darating na Sabado, October 22.
Umaga palang ay magkakaroon na ng Zumba Dance Exercise na inorganisa ng ahensya at libreng mapupuntahan ng publiko.
Magkakaroon rin ng bloodletting activity sa Odiongan Covered Court ang DTI Romblon katuwang ang Department of Health, Philippine Red Crosse, LGU Odiongan, at Provincial Cooperative Development Council.
May diskwento caravan at OTOP mini bazaar rin na magtatagal ng buang araw.
Dito ay tampok ang mga murang groceries, perishable goods, mga local products maging mga Christmas items na tiyak na magiging mabenta lalo na ngayong season.
Magkakaroon rin ng Poster Making Contest, at Consumer Education sa parehong araw.
Ilang establisyemento naman ang bibigyan ng Bagwis Seal award.
Ang Consumer Fair 2022 ay bahagi parin ng selebrasyon ng DTI Romblon sa Consumer Welfare Month na may temang “Sustainable Consumerism in the Digital Age”.