Pinaghandaan parin ng lokal na pamahalaan ng Concepcion, Romblon ang bagyong #NenengPH kahit malayo ang sentro nito sa bayan.
Sa Sa Public Briefing #LagingHandaPH, ibinahagi ni Mayor Nicon Fameronag ng Concepcion, Romblon na bagamat hindi naapektuhan ng bagyong Neneng ang kanilang bayan, naghanda parin sila dahil sa panakanakang pag-ulan.
Aniya, maganda ang panahon ngayon sa Concepcion, Romblon. Bilang paghahanda rin umano sa bagyong Neneng ay sinunod nila ang Operation Listo ng DILG at DILG Mimaropa.
Naka-activate rin umano ang kanilang mga Barangay ay buo ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee.
Sinabi rin ng alkalde sa Public Briefing #LagingHandaPH na ang siyam na barangay ng Concepcion ay may mga prepositioned assets na para sa mga kalamidad. Bagama’t kulang sila sa communication equipment, umaasa umano sila sa pagiging resilience at pagiging handa ng kanilang mga kababayan.
Samantala, ang DSWD ay nagpadala na rin ng ayuda sa bayan bilang mga prepositioned food packs para kung sakaling may sakuna na makaapekto sa bayan ay may magagamit sila.