Ibinahagi ng Philippine Statistics Authority – Romblon na may aabot na sa 184,588 ang Romblomanon nakapag-parehistro na para sa PhilSys Step 2 Registration sa probinsya mula Hunyo 21, 2021 hanggang Setyembre 31, 2022.
Katumbas na umano ito ng 75% ng kabuuang target ng probinsya base sa 2020 Census of Population and Housing ng ahensya.
Pinakamarami ang naitalang bilang ng rehistrado sa Odiongan na may 31,009 na; at sinundan ng Romblon na may 22,275.
Sa bilang na 184,588 na ito, 127,156 ang nagparehistro sa pamamagitan ng walk-in sa 8 registration centers, 56,859 naman ang Assisted Step 1 registrants, at 573 ang online registrants. Mas lumago rin ang bilang na ito dahil sa patuloy na ginagawa ng PSA na mobile registration sa iba’t ibang bayan at isla sa lalawigan.
Mula Hunyo 21 noong nakaraang taon hanggang Setyembre 31 ngayong taon, may daily average na 67 registrants ang pumupunta sa opisina ng PSA sa Romblon para magparehistro.
Ang PhilSys Step 2 registrations ay ang pag-validate ng supporting documents at pagkuha ng biometric informations tulad ng iris-scan, fingerprints at fron-facing photograph sa mga PhilSys Registration Centers.