May aabot sa 500 na food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dumating sa bayan ng Corcuera, Romblon. Ito ay magagamit ng lokal na pamahalaan kung sakaling may mangyaring sakuna sa lugar katulad ng bagyo.
Ayon kay Mayor Elmer Fruelda, sakay ito ng BRP Federico Martir at dumating nitong ika-19 ng Setyembre.
Maliban sa food packs, nagbigay rin ang DSWD ng 50 Hygiene kits, 50 Kitchen kits; 50 Family kits, 50 Sleeping kits, at 8 modular tents.
Ang pagkakaloob ng mga naturang kagamitan ay tugon sa direktiba ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo bilang paghahanda sa mga lugar na napapailalim sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) na madalas naaapektuhan ng sakuna.
Maliban sa Corcuera, nakatakda ring magpadala ng food packs ang DSWD sa bayan ng Concepcion.