Tatlong bayan parin sa lalawigan ng Romblon ang wala paring kuryente hanggang sa ngayon, isang araw matapos ang pananalas ng bagyong Paeng.
Tinukoy sa situational report ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga bayan na ito ay Corcuera, San Agustin at Santa Maria.
Partially restored naman ang kuryente sa Odiongan, San Andres, Alcantara, Looc, Cajidiocan, Sta. Fe, at Banton.
Samantala, sa ulat naman ng Tablas Island Electric Cooperative o TIELCO nitong alas-3 ng hapon ng Linggo, aabot na sa 45.61% ang kanilang napailawan na sa Tablas at San Jose.
Nagpapatuloy umano ang kanilang mga clearing operations at restoration ng linya upang agad na maibalik ang mga kuryente.