Inilipat na sa bisa ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
Batay sa Executive Order No. 5, polisiya umano ng gobyerno na i-rationalize ang functional structures ng mga ahensiya na magkakapareho ang trabaho.
Ang paglilipat umano sa TESDA sa ilalim ng DOLE ay “for policy and program coordination.”
ADVERTISEMENT
Ang kalihim na ng DOLE ang tatayong TESDA Board.