Mahigit 40 na local Disaster Risk Reduction Management (DRRM) officers mula sa iba’t-ibang lalawigan ng rehiyon ng Mimaropa ang nakilahok sa isinagawang Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) Training sa pangunguna ng Office of Civil Defense-MIMAROPA kamakailan sa pamamagitan ng blended learning.
Ang PDNA ay isang multi-sectoral and multidisciplinary DRRM tool na ginagamit sa pagtatasa ng epekto ng mga kalamidad sa mga lugar na naapektuhan nito.
Gayundin, tinalakay ang mga pamamaraan kung papaano makakabangon at makakabawi ang isang komunidad matapos salantain ng kalamidad.
Ang naturang pagsasanay ay isinagawa bilang bahagi ng Annual Plans and Budget 2022 ng OCD MIMAROPA. (JJGS/ PIA MIMAROPA)