Nagbigay ng Fuel Subsidy ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Mimaropa sa aabot sa 135 na rehistradong mangingisda sa bayan ng Odiongan kamakailan.
Ayon kay BFAR Romblon chief Luisito Manes, may P3,000 na laman ang kanilang mga subsidy cards at puwedeng gamitin pambili ng gasulina para sa kanilang mga bangka.
Sa buong Romblon, may aabot sa 1375 na mangingisda ang makakatanggap ng mga nabanggit na card.
Samantala, may 29 rin na corn farmers sa bayan ang nabigyan ng fueld subsidy card ng Department of Agriculture Mimaropa para naman sa kanilang mga makinang ginagamit sa kanilang mga sakahan.
Sinabi ni Manes na kailangan lamang umanong ipakita ng mga benepisyaryo ang kanilang card sa mga gasulinahang may point-of-sale system para ma-debit ang kanilang gasulina.