Nakiisa ang probinsya ng Romblon sa National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Activity na inorganisa ng Department of Interior and Local Government, Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources nitong September 13, kasabay ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang Barangay Balogo sa bayan ng Calatrava, Romblon ang napila ng tatlong ahensya na lugar para taniman ng mahigit 1,000 Bamboo, Narra at Fruit trees.
Ayon kay DILG Romblon Director Frederick Gumabol, may tema ang aktibidad na ‘Buhayin ang Pangangalaga ng Kalikasan’. Ito ay naglalayong mapanatili ang ganda ng kalikasan sa tulong ng mga naitatanim na puno sa lugar.
Nakiisa rin sa nabanggit na aktibidad ang mga kawani ng DPWH, DOLE, DSWD, DAR, Calatrava Municipal Police Station, BFP, Coast Guard at mga kawani mula sa lokal na pamahalaan ng Calatrava sa pangunguna ni Mayor Marieta Babera.