Hindi na problema kung paano dudumi ang turista na nasa floating balsa sa Looc Bay Marine Refuge And Sanctuary dahil ang Department of Science and Technology ay maglalagay na rito ng eco-friendly septic system o eco-sep.
Ang eco-sep ay isang teknolohiya na tutulong para maglinis ng tubig mula sa portalet na ilalagay sa floating platform.
Makakatulong ang paglinis ng tubig sa pag-iingat ng marine life sa lugar at masisiguro ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga turista na bibisita sa sikat na tourism site.
Ayon sa DOST Romblon, natapos na ang training ng mga kawani ng LGU Looc na tutok sa nasabing teknolohiya kabilang na ang mga miyembro ng Bantay Dagat na siya ring nagsisilbing tour guide sa pasyalan.