Nilinaw ni Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala na P15 parin ang minimum fare ng mga pampublikong tricycle sa bayan ng Odiongan.
Ito ay kasunod ng mga natanggap niya di umanong ulat na may naniningil na mga tricycle drivers na mas mataas sa minimum fare.
Aniya, ang panukalang pagtataas ng pamasahe ay hindi pa naaprubahan kaya nanatiling P15 parin ang pamasahe.
“Nais ko lang din pong ipaalala na meron na tayong Ordinansa sa Fare Matrix na kung saan ay kasama kayong mga TODA sa pagbalangkas nito, at alam nyo rin po na ito ay hindi pa na aamyendahan kaya nananatiling P15 ang pamasahe. Obligado kayo na magbigay ng sukli kapag may nag bayad ng P20,” paliwag ni Dimaala sa isa niyang Facebook post.
Sinabi rin nito nah hindi niya pinag-iinitan ang mga TODA kundi inaayos niya lang ang mali.
“dahil nitong mga nakaraang araw lalo na sa pagbubukas ng klase ay sunod-sunod na po ang reklamo,at report sa ating opisina, sa Odiongan Public Information Office at sa Office of the Mayor dahil sa mga sobra sobrang paniningil ng mga ilang TODA members sa ating mga pasahero lalo na sa ating mga estudyante,” ayon rito.
Inaanyayahan rin nito ang lahat ng TODA members na isumbong sa kanilang opisina ang mga colorum na tricycle drivers para madali silang mahuli.
Anya, hindi rin dapat umano pinaapayagang pumila ang mga colorum na tricycle sa hanay ng mga tricycle na may prangkisa.