Muling pinulong ni Concepcion Mayor Nicon Fameronag ang mga kawani ng Rural Health Unit, Department of Social Welfare and Development, Concepcion Municipal Police Station, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang bayan bilang paghahanda sa bagyong Karding.
Ayon sa Concepcion Public Information Office, inalam ng alkalde ang kasulukyung status ng medical supplies sa isla lalo pa at walang biyahe ang mga bangka patungong Pinamalayan, Oriental Mindoro dahil sa nakataas na gale warning at babala ng bagyo mula sa Pagasa.
May halos 5 bangka rin mula sa Pinamalayan, Oriental Mindoro ang pansamantala munang kumoble sa Poblacion Cove bilang pag-iingat sa bagyong Karding.
Naghanda na rin ng mga food packs ang lokal na pamahalaan ng Concepcion para may magamit agad kung sakaling kailanganin kung maramdaman sa lugar ang hagupit ng bagyong Karding.