Stranded sa pantalan ng Odiongan, Romblon dahil sa severe tropical storm Karding ang aabot sa 247 na pasahero ng barko ng 2Go Travel galing Caticlan at patungo sana ng Batangas Port.
Ayon sa Coast Guard Station Odiongan, hindi pinababa ng pantalan ang mga sakay ng barko at nanatili nalang sa naka-dock na barko ng 2Go sa pantalan.
Alas-5 ng hapon ng September 24 nang itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang tropical cyclone wind signal #1 sa probinsya ng Batangas dahilan upang hindi payagang maglayag ang mga barko patungo at galing rito.
Ayon sa pamunuan ng 2Go Travel, nagbigay na sila ng libreng pagkain sa mga stranded na pasahero katuwang ang pamunuan ng Philippine Ports Authority.
Sa huling taya ng Pagasa, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 490 kilometers east ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 150kph.
Nakataas na ang Signal #3 sa ilang lugar sa Camarines Sur at Polillo Islands.
Signal #2 naman ang nakataas sa southern portion ng Isabela (Dinapigue, San Guillermo, Jones, San Agustin, Echague, San Mariano), Quirino, central at southeastern portions ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Aritao, Santa Fe, Bambang, Dupax del Norte, Kasibu, Quezon, Bayombong, Diadi), Aurora, Nueva Ecija, eastern portion ng Tarlac (Concepcion, La Paz, Victoria, Pura, Ramos, Anao, San Manuel, Moncada, Paniqui, Gerona, City of Tarlac), Bulacan, eastern portion ng Pampanga (Apalit, San Simon, San Luis, Candaba, Santa Ana, Arayat, Magalang), Metro Manila, northern at central portions ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo) kasama ang natitirang bahagi ng Polillo Islands, northern at central portions ng Laguna (Santa Maria, Siniloan, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Santa Cruz, Pagsanjan, Magdalena, Luisiana, Majayjay, Liliw, Pila, Victoria, Nagcarlan, Bay, Los Baños, City of Calamba, City of Santa Rosa, City of Biñan, City of San Pedro, Cabuyao City, Rizal, Calauan), northeastern portion ng Cavite (Bacoor City, Kawit, Imus City, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Cavite City), Rizal, eastern portion ng Pangasinan (Umingan, Bautista, Alcala, Rosales, Balungao, Santa Maria, San Quintin, Natividad, Tayug, Asingan, San Nicolas, San Manuel, Santo Tomas, Bayambang, Malasiqui, Villasis, City of Urdaneta, Binalonan, Laoac, Sison, Pozorrubio), northern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Siruma, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Tinambac, Presentacion, San Jose, Goa, Cabusao, Libmanan, Calabanga, Bombon, Magarao), northern at central portions ng Catanduanes (Caramoran, Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, San Miguel, Baras, Gigmoto, San Andres), at natitirang bahagi ng Camarines Norte.
Signal #1 sa southern portion ng Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung, Rizal), natitirang bahagi ng Isabela, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Apayao (Conner), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, southern portion ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos), Ilocos Sur, La Union, natitirang bahagi ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Tarlac, natitirang bahagi ng Pampanga, Zambales, Bataan, natitirang bahagi ng Laguna, natitirang bahagi ng Quezon, natitirang bahagi ng Cavite, Batangas, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Albay, natitirang bahagi ng Catanduanes, Marinduque, northwestern portion ng Occidental Mindoro (Lubang Islands, Paluan, Abra de Ilog), at northewestern portion ng Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, City of Calapan, Baco).