Tuloy-tuloy ang ginagawang kampanya ng mga medical frontliners sa probinsya ng Romblon para mas mapataas pa ang vaccination coverage sa lalawigan kontra sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Sa bayan ng San Fernando, isang medical mission ang isinagawa nitong September 19 ang Provincial Health Office katuwang ang Department of Health at ang Rural Health Unit ng bayan.
Dala-dala ng mga tauhan ng PHO ang mga bakuna laban sa Covid-19 at ang dental bus. Namigay rin sila ng mga libreng gamot para sa mga nangangailangan.
Dahil sa pagsama-samang paghihingkayat ng mga tauhang pangmedikal, BHW, at iba pa, nakapag bakuna rito ng 258 dosis ng Covid-19 vaccines.
Sa isang facebook post, sinabi ng PHO na ito na ang pinakamaatas na Vaccination Accomplishment ng munisipyo mula ng ilunsad ang kampanya ng PINASLAKAS.
Ang Pinaslakas COVID-19 vaccination campaign ng pamahalaan programang naglalayong maturukan ang mga Pilipino ng primary series ng booster dose laban sa Covid-19.