Tatlong munisipyo na sa probinsya ng Romblon ang nakapagkamit ng 100 porsyento at higit pa na coverage rate ng fully vaccinated na indibidwal sa target na general population sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ito ang iniulat ng Department of Health (DOH) Mimaropa batay sa kanilang datos.
Ang bayan na ito ay ang Banton, Concepcion at Odiongan.
Samantala, sa ulat pa ng Philippine Information Agency, ang mga bayan ng Concepcion, Ferrol, San Agustin, Santa Fe, Looc sa Romblon ay nakapagtala ng 100 porsyento at higit pa na fully vaccinated para sa mga Senior Citizens o tinatawag na A2 population.
Para mas mapaganda pa ang datus na ito, gumagawa-gawa na ng ibang pamamaraan ang mga rural health unit para dumami pa ang mga mabakunahan gaya ng personal na pagpunta sa mga mamamayan na nasa malalayo at liblib na lugar upang ibahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon bakuna para makamit ang “herd umminity”.
Ang pagkakaroon ng “herd immunity” ay isa sa mga pangunahing programa ng Marcos administration sa ilalim ng “PINASLAKAS” campaign.