Naging matagumpay sa pangkahalatan ang unang araw ng pagpapatupad ng full in-person classes, ayon sa Department of Education – Romblon.
Wala umanong naitalang aberya sa buong lalawigan sa pagbubukas ng klase kahapon.
Batay sa datus ng DepEd, umabot sa 83,290 ang nakapag-enroll ngayong taon sa Dibisyon ng Romblon.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang ginagawang orientation at psychosocial support support sa lahat ng estudyante para sa mas maayos na transition mula sa blended learning patungo sa full in-person classes.
Makakatulong rin umano ito sa mental needs ng mga mag-aaral lalo pa ngayong may pandemya.