Hinihikayat ng Philippine Statistics Authority o PSA ang publiko na maiisa at magpatala sa gagawing Community-Based Monitoring System (CMBS) ngayong Agosto 2022.
Ayon kay Engr. Johnny Solis, Chief Statistical Specialist sa Romblon, magsisimula ng mag-ikot ang mga data collectors ng PSA para kunin ang mga impormasyon ng publiko.
Gagamitin ang mga impormasyon sa pagtukoy at paggawa ng mga panukala at programa para sa mga serbisyo ng mga lokal na pamahalaan.
Sa ginanap na launching ng 2022 CMBS nitong August 9 sa Calatrava, sinabi rin ni Solis na ang CMBS ay isinabatas noong 2019 para mas malaman ang lagay ng poverty at matutukan ang socio-economic development sa Pilipinas.
Dumalo sa 2022 CMBS press launch ang mga alkalde ng Calatrava, San Jose, Sta. Fe at Sta Maria, ilan sa mga bayan na makakasama sa phase 1 ng data collection para sa CMBS.
Inaasahang matatapos ang data collection sa mga bayan na ito sa darating na Oktubre, at magsisimula naman ang Phase 2 na kinabibilangan ng mga bayan ng Odiongan, Romblon, Looc at San Agustin.
Target ng PSA na magkaroon ng 100% participation ang lahat ng lokal na pamahalaan sa probinsya ng Romblon sa nasabing programa matapos mangako ang lahat ng LGU sa probinsya na susuporta sila rito.