Narito ang gabay kung paano makakakuha ng educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.
Nauna ng inanunsyo ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa isang press breifing sa Malacanang na ang mga kwalipikadong estudyante ay mabibigyan ng financial educational assistance.
Ang nasabing assistance ay bahagi ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) na matagal ng programa ng DSWD.
May aabot sa Five hundred million pesos ang inilaan ng gobyerno para sa nasabing programa.
Bawat Sabado ito ipamamahagi sa mga opisina ng DSWD sa buong bansa mula August 20 hanggang September 24.
Para sa mga estudyante na hindi kasama sa 4Ps na nag-aaral sa elementarya, makakatanggap sila ng P1,000; at P2,000 naman para high school; P3,000 sa senior high school; at P4,000 para sa mga nag-aaral sa vocational schools at college.
Ang mga kwalipikadong estudyante ay dapat nagmula sa mahirap na pamilya, working student, breadwinner ng pamilya, orphan, PWD, biktima ng kalamidad, o anak ng solo parent, OFW, at HIV patient.
Hanggang 3 estudyante sa bawat mahirap na pamilya ang puwedeng mag-avail ng nasabing assistance sa DSWD.
Sa gustong mag-apply, pumunta lamang sa pinakamalapit na DSWD Field Offices o SWAD/satellite offices para pumila at mag-avail ng serbisyo.
Dalhin lamang ang School Registration Form or Certificate of Enrolment; at Valid ID ng tatanggap kagaya ng School ID.