Patuloy na nagbibigay ng libreng vocational courses ang Romblon National Institute of Technology sa publiko sa ilalim ng iba’t ibang scholarship grants sa kanila ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Sa isang panayam ng Philippine Infomartion Agency – Romblon kay RNIT administrator Jerry Pamindalan, sinabi nito na handang tumanggap ang RNIT ng iba’t ibang estudyante na gustong mag-aral ng kanilang inoffer na kurso.
Ang RNIT ang nag-iisang technical vocational institution sa lalawigan na pinamamahalaan ng Technical Education and Skills Development Authority.
Anya, ngayong National Enrollment Day ay puwedeng tumungo sa kanilang paaralan sa Alcantara, Romblon ang mga estudyanteng gustong magkaroon ng dagdag skills na magagamit nila sa kanilang pagtatrabaho sa loob at labas ng bansa.
Ilan sa mga flagship programs ng RNIT ay ang Agricultural Crops Production NC II, Automative Servicing NC I at NCII, Bread and Pastry Production NC II, Dressmaking NC II, Driving NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Food and Beverage Services NC II, Food Processing NC II, Motorcycle/Small Engine Servicing NC II, Organic Agriculture Production NC II, Masonry NC II, PV Systems Installation NC II, PV Systems Servicing NC II, RAC Servicing NC II, Shielded Metal Arc Welding NC I at NC II, at Trainers Methodolgy Level I.
Sa pagdiriwang ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kanilang ika-28 anibersaryo, iniimbetahan ni administrator Jerry Pamindalan ang mga gustong mag-aral na magdala lamang ng kanilang birth certificate o marriage contract, diploma, transcrip of records, als certificate o di kaya ay form 138.
Ayon kay Pamindalan, dapat ALS graduate o di kaya ay nakatapos ng grade 10 ang puwedeng mag-aral sa RNIT.
Pagsisiguro ni Pamindalan, ang lahat ng nagtuturo sa RNIT ay mga National TVET Trainer Certificate Holder kaya siguradong mabibigay sa mga nag-aaral ang kalidad ng edukasyon na para sa kanila.