Tiklo ang isang barbero ng pinagsamang pwersa ng Calapan Drug Enforcement Team ( CDET), MIMAROPA4B Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA), Tecnical Support Company, Regional Mobile Force Batallion ( TSC RMFB), matapos itong mahuli sa drug buy bust operation sa Sitio Aguila, Bgrt. Biga, Calapan City, ganap na ika-2:00 ng hapon, Agosto 18, 2022.
Kinilala ang suspek na si Adonis Sta Ana Banaay, 34, may asawa, barbero at residente ng Brgy. Buhangin, Naujan, Oriental Mindoro.
Nakuha ng mga otoridad sa suspek ang isang piraso na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at isang limang daang piso as marked money, 1 piraso ng black body bag at isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 56.39 na may estimated value na P338, 340.00, kasama ang isang Rusi na motorsiklo.
Samantala, personal na pinuntahan ni Calapan COP PLTCOL Anthony Ramos ang nasabing matagumpay na drug operation ng mga operatiba sa pamumuno ng iba’t-ibang Unit.
CDET sa pangunguna ni PCMS Rolan P Reanazarez, PDEU, PLt Roberto DC de Guzman, TMRU. PMaj Israel Cisco T Magnaye, DMFC, PLt Julian Cuartero at PDEA, IO2 John Gaynor Bugaling.
Kasalukuyan namang nasa nasa kostudiya ng Calapan City Police Station si Banaay habang inihahanda ang kasong ipapataw dito bilang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 o mas kilala sa RA 9165.