Idineklara na ang ‘state of power crisis’ sa probinsya ng Occidental Mindoro dahil sa nararanasang problema sa kuryente sa probinsya.
Sinabi ni Occidental Mindoro Vice Governor Diana Tayag na nagdurusa na ang mga residente ng probinsya dahil sa problemang ito sa kruyente.
“Kami ho ay nanghihingi na ng tulong on behalf of the 500,000 Mindoreños na nagdudurusa sa kaapihan na dinaranas namin ngayon sa kawalan ng kuryente sa aming lalawigan, maging basehan ang state of power crisis na ito,” pahayag nito.
“Nakikiusap kami kami sa national government, Office of the President, sa Department of Energy. Puwede po kasi nilang gawing basehan ito to act kasi nasa crisis situation na kami,” ayon pa kay Tayag.