Ipinanukala sa Sangguniang Bayan ng Looc ang pagbabawal sa paggamit ng mga single-use plastics sa kanilang lugar.
Ayon kay SB member Jonathan Gaytano, na author ng panukalang ordinansa, napapanahon na umano para ipagbawal ang mga single-use plastics at styrofoam sa munisipyo.
Pahayag nito, makakatulong ito sa mundo upang mapigilan ang polusyon ng mga plastic.
Paliwanag ni Gaytano sa mga maapektuhan, puwede naman umanong gamitin ng mga mamimili sa palengke ang ginagamit noon na bayong o eco-bag.
Suhestiyon rin ng konsehal na payagan ang “regulated” na paggamit ng mga biodegradable plastics para naman sa mga bagay na kailangan talagang paggamitan nito.
Nais rin nitong bigyan ng multa ang mga lalabag sa nasabing ordinansa kung ito ay ipatupad na.
Ang nasabing ordinansa ay kasalukuyang nasa first reading pa lamang at dadaan pa ng public hearing.