Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Corcuera ang isang ordinansa na magbibigay ng ayuda para sa pamilya ng mga namayapang Persons with Disabilities (PWD).
Ang nasabing panukalang ordinansa na akda ni Konsehal Joribel Ferry ay naglalayong mabawasan ang pasanin ng mga naiwan ng namayapang PWD na karamihan ay kabilang sa mahihirap na pamilya.
Sa panukalang ordinansa magbigay ang lokal na pamahalaan ng P5,000 cash na Mortuary o Death Aid sa mga pamilya ng may kapansanan na sumakabilang buhay.
Nitong July 12, tinalakay na ito sa pagpupulong ng Committee on Senior Citizens Affairs and People with Special Needs kung saan napagkasunduan ang halaga ng Mortuary Aid.
Napag-usapan din ang mga saklaw at alituntinin ng nasabing panukalang Ordinansa.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng Committee Chairman na si Konsehal Andry Falcunitin kasama ang Vice Chairman na si Konsehal Joribel F. Ferry, mga myembro na sina Konsehal Ronald F. Falogme at Konsehal Ricky F. Fermo. Naroon din ang MSWDO na si Bb. Mercy Familara, PDAO Officer na si G. Vilgen Fajarillo at Vice Mayor Aubrey Fondevilla.