Iba’t ibang gamit ng NPA ang narekober ng mga operatiba ng gobyerno sa isang Barangay sa Puerto Princesa City noong July 12.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office Mimaropa, ang mga nakuhang gamit ay mula sa Bienvenido Vallever Command Palawan, Kilusang Larangang Gerilya-Palawan, Sub-Regional Military Area-4E, Southern Tagalog Regional Party Committee ng CPP-NPA-NDF.
Resulta ang pagkumpiska ng mga gamit na ito ng pinagsamang operatiba ng City Intelligence Unit ng Puerto Princesa City Police Office, Provincial Intelligence Team-Palawan, PNP-Intelligence Group, at City Mobile Force Company PPCPO.
Ilan sa mga nakuha ay baril, bala, at mga damit ng teroristang grupo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Police Brigadier General Sidney Hernia, hepe ng PRO Mimaropa, na paliit na ng paliit ang araw ng mga teroristang grupo.
“The continuous recovery of CTG firearms, ammunition, and subversive documents clearly signifies that our enemies’ sanctuary gets narrower as days pass by, and we are projecting the end of local communist armed conflict the soonest possible time,” pahayag nito.