Nagsagawa nitong Biyernes, July 22, ng malawakang tree planting activity ang Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon bilang pagobserba sa Provincial Arbor Day.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, nagkaroon ng tree planting sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan kabilang na ang mga nasa isla ng Sibuyan.
Sa bayan ng Odiongan, sa provincial tree park sa Brgy. Rizal ang venue ng kanilang aktibidad kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang departamento ng Provincial Government.
“Pakatandaan natin na iisa lang ang ating mundo kaya pangalagaan natin ito habang may panahon,” ito ang naging pahayag ni Engr. Roger Fodra sa ginanap na maikling programa sa Barangay Rizal.
Naantala ng isang linggo ang pag-obserba sa Provincial Arbor Day ngayong taon dahil umano sa mga pagsasanay na dinaluhan ng mga bagong halal na alkalde at opisyal sa probinsya.