Isa ang El Nido Transport Terminal sa mga infrastructure projects na nais ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na maisakatuparan sa panahon ng kanyang panunungkulan sa loob ng anim na taon.
Nabanggit ito ni PBBM sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo 25. Ayon kay PBBM ang ‘backbone’ ng ekonomiya ay ang programang imprastruktura dahil konektado ito sa lahat ng sektor tulad ng turismo at agrikultura.
Sinabi din nito na wala siyang isususpende o ititigil sa mga proyektong sinimulan ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, at isa nga sa mga ito ay ang El Nido Transport Terminal.
Ipagpapatuloy din aniya nito ang magagandang proyektong pang-imprastruktura na nagkapagbigay ng benepisyo sa publiko at kung maaari ay nais nitong magkaroong pa ng expansion sa mga ito.
Tinatayang 5-6% ng Gross Domestic Product (GDP) ang ilalaan ng pamahalaan para sa mga programang pang-imprastruktura at tinitingnan din nito ang Private Public Partnership (PPP) na malaki ang potensiyal para sa pagpapalawak ng infra program, dagdag ni PBBM.