Pormal na tinanggap ng pamahalaang panlalawigan ng Romblon ang bagong ambulansya na kaloob sa probinsya ng DOH Center for Health Development – Mimaropa (CHD Mimaropa).
Ito ay gagamiting standby ambulance sa Batangas Port para sa mga pasyente na kailangang ilipat mula Romblon patungo sa secondary o tertiary Hospital sa mainland Luzon.
Maliban sa ambulansya ay nagbigay rin ang DOH Mimaropa ng mga kagamitan para sa loob nito na kailangan ng mga ibabiyaheng pasyent katulad ng stretcher.
Tinuruan rin ang mga gagamit ng ambulansya kung paano gamitin ang mga nakapaloob na medical equipment sa nasabing sasakyan.