Hinihikayat ng Agriculture Training Institute (ATI)-Mimaropa ang mga anak ng magsasaka at mangingisda na mag-apply sa EAsY Agri Scholarship o Educational Assistance for the Youth in Agriculture bilang tulong sa kanilang pagkokolehiyo.
Ayon kay Erlan Pasana, Information Officer III ng ATI Mimaropa-Regional Training Center, nais ng pamahalaan na mahimok ang mga anak ng mga mangingisda at magsasaka na mamuhunan sa agrikultura at pangisdaan tulad ng kanilang mga magulang.
Bukas ang scholarship sa mga sumusunod na kursong pang-agrikultura: BS Agriculture, BS Agribusiness, BS Fisheries, BS Agricultural and Biosystems Engineering, Forestry and Natural Resources Courses, Environmental Science at Veterinary Medicine.
Labing apat ang pipiliin para sa nasabing scholarship.
Kabilang sa mga kwalipikasyon ay kailangan ang mga magulang ay nakarehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) at ang kanilang taunang kita at hindi tataas sa P120,000.
Kailangan din na nakapasa ang aplikante na bilang first year college student sa mga pamantasan o kolehiyo kung mayroong pang-agrikulturang kurso na binabanggit.
Para sa detalye pa ng requirements, tumawag sa 0939-931-2418 o kaya sumulat sa cdms_mimaropa@ati.da.gov.ph.
Ang huling araw ng pagpapadala ng aplikasyon ay sa Ika-10 ng Hulyo 2022. (LP)