Nagsanay sa pangangalaga ng community garden ang ilang persons with disability (PWD) sa Barangay Tumingad sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon sa Persons with Disability Affairs Office (PDA) ng Odiongan, naglalayon ang pagsasanay na matulungan ang mga PWD na magkaroon ng kanilang hanapbuhay at pagkukunan ng pagkain nila.
Katuwang ng PDAO ang Municipal Agriculture Office at ang mga pribadong grupo katulad ng Go Green, Zero Waste Romblon, at ang TIPH.
Maliban rito, inaasahang may susunod pa na mga pagsasanay ang ibibigay sa mga PWD habang papalapit ang National National Disability Prevention and Rehabilitation Week. (PJF)