Kaugnay ng National Fisherfolks Day 2022, nagsagawa noong unang araw ng Hunyo sa bayan ng Looc, Romblon ng Kapihan o Forum na dinaluhan ng mga miyembro ng Bantay Dagat sa bayan, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council, at ng mga opisyal ng bayan.
Sa nasabing forum ay naging malaya ang mga dumalo na magpahayag ng kanilang pananaw, opinyon, mga hamon na nararanasan kaugnay sa kanilang trabaho at mga suhestyon, ideya at plano para sa ikakabuti at ikakaunlad pang lalo ng bayan ng Looc lalo na sa sektor ng mga mangingisda.
Tinalakay din ang mga isyu at suliranin na kinakaharap na nagiging dahilan upang maantala ang serbisyong nararapat sa taong-bayan, na kung saan ay agad naman itong binigyan ng sagot ni Looc mayor Lisette Arboleda.