Lumagda ngayong araw sa isang MOA ang Odiongan District Jail at DICT Luzon Cluster 3 para magkaroon ng Technology for Education, Employment, Entrepreneurs and Economic Development o TECH4Ed Center sa loob ng piitan.
Layunin ng Tech4Ed Center na ito sa Odiongan District Jail na makapagbigay ng equal opportunity sa mga persons deprived of liberty.
Dinaluhan ang virtual signing ceremony nina DICT LC3 Director Ms. Cheryl Ortega at District Jail warden, Jail Senior Inspector Roberto Benzon.
Ang Tech4Ed Center ay isang programa ng DICT na naglalayong magkaroon ng community e-centers areas para sa mga grupong limitado ang access sa information at government services.