Nagsagawa kamakailan ng clean-up drive ang ilang kawani ng pamahalaang lokal ng Looc bilang bahagi ng National Dengue Awareness Month ngayong Hunyo.
Kabilang sa mga nagsagawa ng clean-up drive ay mga kawani ng Rural Health Unit, Bureau of Fire Protection , Barangay Health Workerss, at mga Barangay Officials sa bayan.
Nilinis nila ang mga gilid ng kalsada sa bayan, at hinanap ang mga lugar na pwedeng pamahayan ng mga lamok.
Ayon sa Rural Health Unit, sundin lamang ang 4S Kontra Dengue para maiwasan ang mga sakit lalo na ang dengue.
Ang 4S Kontra Dengue ay Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok, Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng Dengue, Sarili ay protektahan laban sa lamok, at Sumuporta sa “fogging/spraying” kapag may banta ng outbreak.