Tumanggap na ng kanilang mga sahod ang aabot sa 62 na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Emplyoment sa Ferrol, Romblon noong weekend.
Ayon sa DOLE-Romblon, nakatanggap ang mga estudyante ng mahigit P7,000 kada-isa para sa kanialng 20 araw na pagtatrabaho sa iba’t ibang barangay ng bayan at sa lokal na pamahalaan.
Katumbas ng P355.55 pesos kada araw ang sinahod ng mga kabataan.
Sinabi naman ni LGU Ferrol PESO Manager, Elene Bacong na malaking bagay ang programang ito ng DOLE para sa mga kabataan dahil makakatulong ito pambayad sa kanilang mga graduation expenses ngayong patapos na ang school year. (PJF)