Nagsagawa kamakailan ng benchmarking ang Leyte V Electric Cooperative, Inc. (LEYECO V) sa Tablas Island, Romblon upang personal nilang makita ang matagumpay na operasyon ng mga Barangay Power Association (BAPA) ng TIELCO at paano ito nakatulong ng malaki sa operasyon ng koopetiba.
Inilahad ni TIELCO General Manager Dennis L. Alag ang success story ng BAPA sa Tablas at Carabao Island na pinasimulan ng taong 1988.
Sinamahan din ng mga kawani ng TIELCO ang mga opisyal ng LEYECO V sa SUWECO Tablas Energy Corporation (STEC) Diesel at Solar Plants makita nito ang pinagkukunan ng enerhiya sa Isla ng Tablas.
Ipinakita din sa mga bisita ang mga natatanging tanawin sa isla ng Tablas na nadaanan nito patungo sa bayan ng San Agustin.
Pagkatapos ng isang araw ng Benchmarking activity, tumuloy ang grupo ng LEYECO V sa area coverage ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) upang magsagawa din ng benchmarking activity tungkol sa Renewable Energy Program nito.