Tiniyak ng Comelec Region IV-B na lahat ng mga rehistradong botante ay makakalahok sa 2022 National and Local Elections.
Ayon kay Regional Election Director Jose Nick Mendros, may mag-aasikaso sa mga persons with disabilities, mga katutubo Indigenous People at iba pang rehistradong botante na nabibilang sa vulnerable sector sa araw ng halalan.
Katunayan, nagsasagawa ng mga aktibidad ang Office for the Vulnerable Sector ng Comelec para maranasan din ng mga botante ang pagboto sa mga malalayong lugar gaya ng Sitio Nanabo, Barangay Caramay, Roxas Palawan kung saan nagkaroon ng voting demonstration noong unang linggo ng Abril.
Kasama mismo ni Director Mendros si Comelec Commissioner Aimee Ferolino sa voting demonstration sa Sitio Nanabo kung saan mayroong 121 registered voters.
Bukod sa mga PWD at IPs, kabilang din sa vulnerable sector ang mga senior citizen at buntis.
Ang Mimaropa ay mayroong mahigit na 1.9 registered voters at inaasahang gagamit ng may 3,348 na vote counting machines.