May mga pagbabago sa pagkuha ng Persons with Disability Identification Card (PWD) identification card (ID).
Lahat ng mga aplikante ng PWD ID ay kailangan sagutin at ipasa ang application form na puwedeng ma-download mula sa pwd.doh.gov.ph.
Ang mga bagong ilalabas na PWD ID ay may bisa ng limang taon mula sa dating tatlong taon.
Ang mga aplikante ng PWD ID na malinaw o kitang-kita ang kapansanan ay hindi kailangan magpakita ng medical certificate kundi certificate of disability mula sa Social Welfare and Development Offices sa mga lokal na pamahalaan o kaya sa kani-kanilang mga Persons with Disability Affairs Office o PDAO.
Ang bawat PWD ID ay may lagda ng kanilang alkalde.
Bawat may kapansanan na may hawak ng PWD ID ay mabibigyan ng 5 percent discount sa mga batayang produkto kada linggo nang hindi hihigit sa Php 1,300.
Pagdating sa pagkain, transportasyon, hotel, laboratory services at iba pa, maaring mabigyan ng 20 percent discount.
Kasama rin sa mga kinikilalang qualified sa PWD ID ang mga Cancer Survivor at mga may Rare diseases.
Sa mga mag-aaply, magsadya sa inyong PDAO o Social Welfare and Development Offices sa lokal na pamahalaan.
Ang PWD ID ay isang government issued ID Card na dapat kilalanin ng lahat ng establisimento, gobyerno man o pampribado. (LP)