Tapos nang isagawa noong Mayo 4 sa probinsya ng Romblon ang final testing at sealing ng mga vote counting machines o VCMs na gagamitin sa pagboto sa darating na Mayo 9.
Umaga pa lang ay nagsimula nang mag-ikot ang mga Election Officer ng bawat munisipyo para maghatid ng mga vote counting machines sa iba’t precinct sa mga barangay.
Sa Odiongan, Romblon, 10:00am sabay-sabay na nagsimula ang testing kung saan ang chairman ng electoral board ay nagsagawa ng demo sa VCM.
Siniguro nila na gumagana ang lahat ng mga VCMs na hinatid sa mga presinto.
Ayon sa Comelec Romblon, naging maayos ang Final Testing and Sealing sa lalawigan ngayong araw.
Sa aktuwal na araw ng eleksiyon sa Mayo 9, inaasahang may aabot sa 206,119 na mga botante sa Romblon ang inaasahang boboto na mamumuno sa kanilang bayan at bansa.