Iprinoklama na nitong May 10, isang araw pagkatapos ng halalan, ng Municipal Board of Canvassers ng Odiongan ang pagkapanalo nina Mayor Trina Firmalo-Fabic at Vice Mayor Diven Dimaala.
Base sa election returns na nakarating sa transparency server ng Comelec, nakakuha si Fabic ng 17,001 votes kontra sa 9,699 votes ni Butchoy Arevalo.
Sa isang mensahe ni Fabic kagabi, nagpasalamat ito sa mga Odionganon sa pagdepensa at pagmamahal.
Bago kasi ang election, nagkaroon ng iba’t ibang report sa social media patungkol sa nangyari di umanong vote buying sa bayan kung saan ang ilang botante ay nakatanggap ng P2,000 cash na may kasamang sample ballot.
Samantala, 16,026 naman ang nakuha ni Diven Dimaala habang 9,940 naman nakuha ng kalaban niyang si Chow Chua.
Nairpoklama na rin ang mga nanalong Sangguniang Bayan members na sina Kit Firmalo, Jack Fernandez, Quincy Bantang, Juvy Faderogaya, Kaila Yap, Manuel Fernandez Jr., Jojo Falogme, at Ricmel Falqueza.