Bumuo na ng task force ang dalawang electric cooperative sa probinsya ng Romblon upang maiwasan ang posibleng power interruption ngayong Eleksyon 2022.
Ang Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) at ang Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) ay bumuo ng kanya-kanyang task force alinsunod sa utos ng Department of Energy (DOE) at National Electrification Administration (NEA).
Sa bahagi ng TIELCO, sinabi ni General Manager Dennis L. Alag, na maglalagay sila ng mga tao sa bawat bayan na kanilang nasasakupan upang magmonitor sa eleltric supply bago, habang at pagkatapos ng eleksyon.
Ang mga taong ito ay magiging quick response service upang kung sakaling nagkaroon ng power interruption ay agad nila itong maayos at maibabalik agad ang kuryente.
Wala rin munang papayagang maintenance at scheduled brownout ngayong panahon ng halalan.
Sa darating na Lunes, May 9, ang araw ng eleksyon.