Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Month of the Ocean o MOO, ang Romblon State University ay nagsagawa ng simultaneous coastal clean-up drive sa lahat ng kanilang campus sa buong lalawigan noong wekeend.
Nakipagtulungan ang Romblon State University sa Department of Environment and Natural Resources para sa nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga empleyado, guro, at mga estudyante ng pamantasan.
Ang tema ng MOO ngayong taon ay ‘Protect and Restore Ecosystems and Biodiversity’.
Layunin ng isinagawang pagtitipon na ipakita na seryoso ang pamahalaan na mapanatiling malinis ang mga kapaligiran at dalampasigan sa probinya.
Samantala, nagsagawa rin ng parehong aktibidad ang iba pang lokal na pamahalaan sa probinsya.