Bukas na ngayon sa publiko ang bagong branch ng BDO Network Bank na matatagpuan sa bayan ng Looc, Romblon.
Ang BDO Network Bank na pagmamay-ari ng Banco de Oro, ang pinakamalaking Rural Bank sa buong Pilipinas na nagmula sa Davao City, Mindanao.
Sa isang panayam kay Looc Mayor Lisette Arboleda, sinabi nito na ito ang kauna-unahang commercial bank na nag-operate sa kanilang bayan at pinagsusumikapan nila itong makilala upang makatulong sa mga residente ng kanilang bayan.
Sinabi rin nito na ‘it’s a welcome development’ lalo na sa mga negosyante ng bayan dahil sa iba’t ibang offer na programa ng bangko.
Maliban sa pagtulong sa MSME, pwede ring kumuha ng savings account ang mga pribadong indibidwal katulad sa ibinibigay ng parent company nito na BDO Unibank.
Sa ngayon, ang BDO Network Bank ay nago-offer ng high-interest earning savings account, time deposit pdocuts, young-savers account, BDO Kabayan, checking account, MSME products katulad ng pangkabuhayan loan, credit card, auto loan, housing loan, at iba pa.
Ang BDO Network Bank sa bayan ng Looc ay matatagpuan sa G/F and Flor’s commercial Bldg., Rizal Street Corner Aurora Street Poblacion, Looc, Romblon.