45 na residente ng bayan ng Odiongan ang nakatanggap kahapon, April 26, ng pangkabuhayan package mula sa proyekto ng lokal na pamahalaan na pinondohan ng Department of Labor and Employment – Romblon.
Ayon sa Community Organizing Office, mayroong mga gamit para sa mga mangingisda, mga magbebenta ng bigas, maglalagay ng ihawan ng barbeque, magsisimula ng sari-sari store at iba pa.
Sa ginanap na turn-over ceremony kanina, sinabi ng alkalde ng bayan ng Odiongan na alagaan ang mga kagamitan upang makatulong ito sa pamilya ng bawat isa.
Hinikayat rin nito ang mga nakatanggap ng kagamitan na magtabi mula sa kikitain para mas mapalago pa ang kabuhayan.