Buong araw na nakaranas ng pag-uulan ang kalakhang bahagi ng probinsya ng Romblon dala ng bagyong Agaton.
Bagama’t malayo sa probinsya, nagdala ito ng moderate to heavy na kung minsan ay matinding pag-ulan sa probinsya.
Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan malapit sa Basey, Samar taglay ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 60 km/h.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Masbate, Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Cebu kasama ang Camatoes Island, eastern portion ng Boho, Surigao del Norte, att Dinagat Islands.