Bago pa ang isasagawang Integrated Sustainable Assistance Recovery and Advancement Program (ISARAP) bukas, April 23, sa bayan ng Odiongan, nagsagawa na ngayong Biyernes, April 22, ng Duterte Legacy Caravan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa bayan ng Romblon, Romblon.
Pinangunahan ito ng Romblon Police Provincial Office sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya kagaya ng TESDA, PSA, Municipal Health Office, Municipal Agricuture Office, Red Cross, PDEA Mimaropa, BFP, Romblon Pulis, Dilg Romblon, PNP-Maritime Group.
Katuwang rin ng mga nabanggit na ahensya ang Lingkod Bayan Advocacy Support Group.
Ayon sa Romblon Police Provincial Office, may mahigit 100 katao ang dumalo sa programa kung saan napakinggan nila ang mga nagawa ng pamahalaan sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Maliban sa mga forums, nagkaroon rin ng community service ang iba’t ibang ahensya kagaya ng libreng gupit, namahagi ng libreng mga binhi, at namigay ng libreng pagkain.
May tema ang caravan na Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran.