Nagsagawa ng technical briefing sa mga magsasaka ng mais at cassava ang Department of Agriculture (DA)-MIMAROPA kasama ang Provincial Agriculturist Office at Municipal Agriculture’s Office sa bayan ng Looc kamakailan.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa multi-purpose covered court ng barangay Punta, Looc, Romblon.
Dumalo rito ang aabot sa 40 corn at cassava farmers na nagmula sa nabanggit na barangay. Layunin nito na matulungan ang mag magsasaka kung paano nila mas maaalagaan at mapapalago ang kanilang mga tanim.
Layunin rin nito na matukoy ang mga problemang kinakaharap sa kasalukuyan ng mga corn at cassava farmers, mabigyan at maturuan ng makabagong stratehiya at teknolohiya sa pagtatanim at mabigyan din ng sapat na kaalaman sa marketing ng kanilang mga produktong mais at kamoteng kahoy.