May 120 na disadvantaged at displaced workers sa bayan ng Odiongan ang mabibigyan muli ng pagkakataon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng trabaho sa tulong ng TUPAD or Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Nagsagawa na ng orientation ang DOLE-Romblon sa mga benepisyaryo ng programa sa Odiongan South Central Elementary School kamakailan.
Magtatranaho sila sa mga barangay sa Odiongan katulad ng paglilinis ng mga kalsada, at iba pang community work.
Ayon sa DOLE-Romblon, tatanggap ang mga workers na ito ng P320 na sahod kada-araw.