Ginugunita ngayong araw sa probinsya ng Romblon ang ika-121 anibersaryo ng pagkakatatag ng probinsya.
Kabilang sa mga nakalinyang aktibidad ngayong araw ay pagbubukas ng Marble Festival 2022 sa bayan ng Romblon, Romblon kung saan itatampok ang magagandang likha ng mga scupture ng marmol sa probinsya.
Bubuksan rin ngayong araw ang tatlong araw na DTI Agri-Trade Bazaar at Night Market na tampok naman ang mga produktong gawa ng iba’t ibang MSMEs sa buong lalawigan.
Magkakaron rin ngayong araw ng job fair ang Department of Labor and Employment kung saan inaasahang may 1,000 babaeng posibleng makuha para sa magtrabaho sa isang kompanya sa Lipa, Batangas.
Dahil parin sa pagdiriwang ng Romblon Foundation Day ngayong Miyerkules, idineklara ng Provincial Gov’t na walang pasok sa buong lalawigan ang mga opisina ng gobyerno at mga paaralan alinsunod sa Batas Republika Blg. 9642. (PJF)