Pumalo na sa halos P92 ang kada litro ng gasulina sa isang gasulinahan sa lalawigan ng Romblon nitong Martes, March 8, kasabay ng Oil Price Hike na ipinatupad ng mga oil companies ngayong araw.
Ito ay bunsod parin ng mataas na presyo ng gasulina sa pandaigdigang merkado dulot ng gyera sa Ukraine at suction na ipinatutupad sa Rusia.
Sa dalawang gasulinahan sa Odiongan, Romblon na binisita ng Romblon News Network, umabot na sa P91.71 ang presyo ng premium gasoline sa Alpha Oil habang sa Petron naman ay pumatak na sa P83.20 ang presyo ng premium ng gasoline.
Umaabot naman sa P83.03 kada litro ang presyo ng diesel sa Alpha Oil habang sa Petron naman ay pumapatak lamang ng P80.65 kada litro.
Ayon sa mga may-ari ng mga kompanya ng langis sa probinsya, ang mataas na presyo sa kinukunan nila at gastos sa pag biyahe ng mga langis patungo sa Romblon ang mas nagpapataas sa presyo ng mga gasulina at diesel na kanilang ibinebenta.