Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na training ng mga opisyal at empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose patungkol sa Gender and Development na ginanap sa Kalibo, Aklan noong ika-14 hanggang 15 ng Marso.
Nagsilbing resource speaker sa nasabing aktibidad si MLGOO Henry William Firmalan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Dito ibinahagi ni Firmalan ang kanyang kaalaman patungkol sa kahalagahan at karapatan ng mga komunidad anuman ang kanilang kasarian tungo sa pag-unlad.
Naging abala din ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa paggawa ng kanilang Gender and development Plan bilang pagtugon sa nasabing training.
Target ng lokal na pamahalaan ng San Jose na maging Gender Sensitive and Responsive ang mga programa at proyektong ipapatupad ng bayan sa susunod na taon.